--Ads--

Ikinagalak ng mga Pilipino sa Estados Unidos ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa US, kahit na may posibleng banta sa seguridad dahil sa lumalalang tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, mahalaga ang pagbisitang ito upang maipakita ang pakikitungo ng Pilipinas sa Estados Unidos, lalo na sa panahon ng krisis sa ekonomiya. Binanggit niya na malaking responsibilidad ang nakaatang sa pangulo para sa kapakanan ng bansa, at isa sa malaki ang maitutulong ng US sa pagharap sa mga isyung panlabas at pang-ekonomiya.

Aniya, nag-iingat na rin ang mga Amerikano dahil sa kasalukuyang kaguluhan sa pagitan ng US at Israel laban sa Iran. Ramdam na rin ng mga Pilipino sa US ang epekto ng digmaan, lalo na sa pagtaas ng presyo ng bilihin at petrolyo, na nagdudulot ng karagdagang pangamba sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Idinagdag niya na inaasahan nilang magiging maayos at ligtas ang pagbisita ni Pangulong Marcos Jr., at ito ay magbibigay ng oportunidad para sa mas matibay na ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa, lalo na sa larangan ng kalakalan, seguridad, at pamumuhunan.

--Ads--