--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinag-aaralan ni Representative Antonio ‘Tonypet’ Albano ang pagbuo ng Mabuhay Master martial plan o mabuhay Pilipinas Plan na layuning iangat ang mga pinakaapektadong industriya sa bansa na kinabibilangan ng turismo, hotel, at airline Industry.

Sa pamamagitan nito matutulungan ang mga displaced workers na makahanap ng alternatibong hanapbuhay at nang masimulan na ang retro fitting ng mga apektadong industriya pagkatapos ng krisis sa COVID-19.

Ayon kay Cong. Albano kabilang sa Mabuhay Master martial plan o mabuhay Pilipinas Plan ang pagkaroon ng komprehensibong plano para makabuo ng isang stimulus package para sa sector ng agrikultura.

Gagamitin ito ng mga magsasaka sa pagbili ng mga makinarya upang magkaroon na ang Pilipinas ng iba’t ibang variety ng Palay at matigil na ang importasyon ng bigas.

--Ads--

Maliban dito ay iminungkahi rin niya ang pag-iinvest sa animal agriculture industry upang maging self sufficient na ang Pilipinas at matiyak ang food security.

Tinig ni Representative Antonio ‘Tonypet’ Albano.