--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan na ng Department of Public Order and Safety o DPOS Santiago City ang pagdagsa ng mga sasakyan sa Lungsod ng Santiago habang papalapit ang kapaskuhan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPOS Chief Edwin Cabanos III, sinabi niya na sisiguruhin nila ang visibility ng mga traffic enforcers sa mga kalsada upang matiyak na maging maayos ang daloy trapiko ngayong holiday season.

Iki-clear din aniya nila ang mga gilid ng kalsada lalo na ang mga nagpaparking sa gilid ng daan upang maging maganda ang daloy ng trapiko.

Hindi kasi maiwasan na marami ang nagpapark sa gilid ng daan dahil na rin sa dami ng mga sasakyang bumibisita sa lungsod.

--Ads--

Magsagawa naman sila ng re-routing habang plano nilang gawing one-way ang ilang mga inner roads sa Lungsod ng Santiago.

Samantala, magdedeploy naman sila ng mga traffic enforcers sa mga daan malapit sa simbahan para matiyak ang kaayusan ng kalsada sa Simbang Gabi katuwang ang mga kapulisan.