--Ads--

Kahapon pa lamang ay ramdam na ang pagdagsa ng mga biyahero palabas ng Metro Manila.

Sa panayam ng Bomb Radyo Cauayan kay Ariel Lim, Convenor ng National Public Transport Coalition, sinabi niya na alas-5 pa lamang ay bahagya nang bumigat ang daloy ng trapiko sa mga expressways.

Gayunman ay mas maganda aniya ang sitwasyon ngayong taon kung ikukumpara sa nakalipas na Undas dahil makikitang kumikilos ang hanay ng Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Department of Transportation.

Ayon kay Lim, isa sa kanilang babantayan ay ang muling pagbabalik ng mga biyahero sa Maynila mula sa iba’t ibang probinsiya sa darating na Linggo dahil inaasahan na magdudulot ito ng pagsikip sa daloy ng trapiko.

--Ads--

Dahil dito ay humingi ng tulong ang LTFRB sa mga grupo ng transportasyon pagdating sa pagbabantay sa mga pangunahing Kalsada ngayong Undas.