--Ads--

CAUAYAN CITY- Naantala ang pagdating ng 100,000 bags ng NFA rice na para sa region 2

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Regional Director Mario Gonzales ng NFA region 2 na tatlong truck pa lamang NFA rice na umaabot sa 1,750 bags ang dumating na para sa mga taga Cauayan City, Santiago City at Roxas, Isabela

Bago anya nila ipamahagi ang mga NFA rice sa mga outlet sa pamilihan ay hihintayin pa na makompleto ang pagdating ng 100,000 bags sa region 2.

Ang 100,000 bags na tustos ng bigas sa region 2 ay bilang bahagi sa unang 250,000 metric tons na inimport ng pamahalaan.

--Ads--

Kapat dumating na ang pangalawang bahagi ng mga aangkating bigas mula sa ibang bansa ay muling magkakaroon ng bahagi ang region 2.

Inihayag pa ni Regional Director Mario Gonzales ng NFA region 2 na kapag gumanda na ang lagay ng panahon ay maari nang maibaba mula sa barko ang mga bigas upang madala dito sa region 2.