CAUAYAN CITY – naipagpaliban ang unang itinakda na ikapito ng marso na pagdedeklara sa 14 na barangay ng Ilagan City na drug free.
Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni P/supt rafael Pagalilauan, hepe ng City of Ilagan Police Station na sa March 7, 2018 ay isasagawa na lamang sa March 15, 2018 ang pagkakadelrang drug free ng mga naturang barangay.
Ito ay dahil hindi magkatugma ang schedule ng mga opisyal ng Police Regional Office 2, PDEA at DILG na dadalo sa pagdedeklara na drug free na ang 14 na barangay kaya itinakda na lamang sa nasabing petsa.
15 barangay ang ibinigay ng pulisya sa Ilagan City sa PDEA region 2 na isailalim sa validation ngunit isa ang hindi kasama sa mga pumasa sa validation.
Ayon kay supt. pagalilauan, kung drug free ang isang barangay ay nangangahulugan na walang namonitor na nagbebenta at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot,
Kung drug cleared barangay naman ay may mga unang natukoy na gumagamit at nagbebenta ng bawal na gamot ngunit nalinis na ito dahil nagbago na ang mga drug personality.
Samantala, sinabi ni supt. pagalilaUan na sa pagbabalik ng oplan tokhang ay 7 ang ibinigay sa kanila na pangalan ng mga drug personality na isailalim sa tokhang.
Natuklasan nila na ang isa ay naulit ang pangalan kaya anim na lamang ngunit ang apat ay wala na sa Ilagan City habang ang dalawa ay nasa ibang bansa na.




