--Ads--

CAUAYAN CITY – Tampok ang iba’t ibang aktibidad sa tatlong araw na pagdiriwang ng Kankanen Festival 2019 bilang bahagi ng 70th Founding Anniversary ng Cabatuan, Isabela.

Ang tema nito ay ‘Pagkakaisa at Pagtutulungan Susi sa Tuluy-tuloy na Kaunlaran’.

Star studded ang pagdiriwang dahil sa pagtatanghal ng ilang artista.

Naging tampok na aktibidad kaninang alas sais ng  umaga ang grand parade  na sinundan ng Rhythmic Dance Competition.

--Ads--

Kaninang alas nuebe ng umaga ay isinagawa ang pagbubukas ng Agro Trade Fair.

Tampok dito  ang maraming klase ng  kakanin  mula sa iba’t ibang barangay ng Cabatuan, Isabela.

Maliban sa mga produktong kakanin  ay mayroon ding mga mga alagang hayop gaya ng kambing at native na baboy.

Mamayang alas dos ng hapon ang Acrobatic Show at mamayang 7:00 ng gabi ang Search for Miss Cabatuan grand coronation night at guest ang actor na si Maccoy de Leon.

Bukas, November 6, 2019 ay gaganapin ang Cheer Dance Competion elementary level na magsisimula 7:30 ng umaga.

Alauna ng hapon gaganapin ang Pop Dance Competition secondary level.

Dakong alas sais ng gabi ang Tan-ok ti Cabatuan Awards night na susundan ng Retro Dance Competition ng mga clustered barangay.

Magbibigay ng aliw dito sina Michelle Vito, Maui Taylor at Gwen Garci.

Sa November 7, 2019 na huling araw ng Kankanen Festival ay tampok na aktibidad ang street dance competion secondary level dakong alas siyete ng umaga.

Alauna ng hapon gaganapin ang Women’s Volleball competition at sa gabi ay ang grand concert.