Pangkalahatang naging mapayapa ang pagdiriwang ng Balatung Festival sa Bayan ng San Mateo, Isabela.
Ayon kay PCpt. Beltran Velasco ang Deputy Chief of Police ng San Mateo Police Station, walang anumang krimen silang naitala sa pagdiriwang sa Founding Anniversary ng naturang bayan.
Bilang pagkilala sa efforts ng mga force multipliers ng bawat barangay na naging katuwang nila sa pagtiyak ng seguridad sa bayan ay binigyan ng certificate of appreciation ang mga naging katuwang nilang barangay police.
Ang mga ito ay mula sa 31 na barangay sa Municipality of San Mateo na makakatanggap ng kanilang certificate of appreciation.
Ilan sa naging highlight ng selebrasyon ay ang Agri Eco-Tourism booth kung saan ang nag kampeon ay ang Barangay Bacarenia.
Nagtagisan naman ng ganda at talino ang 16 candidates para sa Binibining San Mateo 2025, kung saan nangibabaw si BB Eleni Athina Domingo ng Barangay Victiria bilang Binibining San Mateo 2025.
Kinoronahan bilang Binibining San Mateo 2025 Turismo naman si Mary Valene Adobo ng Barangay uno.
Binibining San Mateo 2025 Sining at Kultura si Clarisse Arquero ng Villa Cruz, 1st runner up si Princess Dianne Fayosal ng Barangay Malasin at 2nd runner up si Audrey Charmaine David ng Barangay 4.