--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa pagdiriwang ngayon ng Araw ng Paggawa  ay hiniling ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pagkakaisa ng bawat Pilipino para labanan ang mga pagsubok na nararanasan ng bansa.

Sa naging mensahe ni Atty. Domingo Cayosa, pangulo ng IBP National Chapter, ngayong Labor Day ay dapat na pasalamatan at ipagdasal ng bawat isa ang mga COVID-19 frontliners na patuloy na ginagampanan ang tungkulin sa kabila ng panganib, pagod, at pangamba.

Dapat ding itaguyod ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas (EEZ) at magkaisang manindigan laban sa panghihimasok, pang-aagaw at panggigipit ng dayuhan sa mga karagatan ng bansa.

Pangalagaan din ang seguridad ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at tulungan silang makauwi o kaya ay makabalik sa trabaho.

--Ads--

Igalang ang karapatan ng mga manggagawa, ibigay ang nararapat na sahod at benepisyo, unawain ang kanilang pangangailangan o kahilingan at bigyan ng ayuda ang mga nawalan ng trabaho.

Gawin ding ligtas sa COVID-19 ang workplaceO work processes at gawing maaga at libre ang bakuna para sa mga manggagawa.

Pinakahuli ay magkaroon ng Justice Bilis para sa mga pinaslang o ginigipit na labor leaders o organizers.