--Ads--

Paggamit ng Improvised Explosives Device ng NPA sa pakikipagsagupa sa mga sundalo, tinuligsa ng Phil. Army

CAUAYAN CITY – Mariing tinuligsa ng pamunuan ng 5th Infantry Division Phil. Army ang paggamit ng New People’s Army o NPA ng Improvised Explosive Device (IED) sa kanilang pakikipaglaban sa mga sundalo sa Jones at Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sgt. Benjie Maribbay ng 86th Infantry Batallion na ang paggamit ng IED ay ipinagbabawal sa Geneva Convention

Inihayag pa ni Sgt. Maribbay na hindi alintana ang paggamit ng IED ng mga rebeldeng pangkat batay na rin sa mga kagamitan na kanilang nasamsam sa pinakahuling bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at NPA sa Jones at Echague, Isabela.

--Ads--

Ang IED rin anya na ginagamit ng mga rebelde ay maaaring madamay ang mga sibilyan kapag nadaanan at sumabog.