--Ads--
Ipagbabawal na ang paggamit ng mobile phone sa mga primary schools sa Israel simula sa Pebrero 2, 2026.
Ayon kay Education Minister Yoav Kisch, layunin ng naturang polisya na makalikha ng mas malusog na learning environment, batay na rin sa mga isinagawang pag-aaral.
Batay kasi sa Ministry of Education, mayroong negatibong epekto ang mga mobile phones sa pagkatuto at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Kasama naman sa implementasyon ang pagkakaroon ng mga educational program.
--Ads--
Makikipag-ugnayan din ang mga awtoridad sa mga magulang na hikayatin ang mga anak ng balanseng paggamit ng cellphone at iwasan ang labis na paggamit ng social media.





