--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi sang ayon ang Land Transportstion Office sa paggamit ng mga estudyanteng menor de edasd ng mga motorsiklo papasok sa kanilang paaralan.

Ito ay dahil sa malinaw na paglabag sa alituntunin at batas trapiko na ipinatutupad ng opisina.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LTO Cauayan District Head Deo Salud, hindi dapat kunsintihin ang ganitong gawi dahil malinaw itong paglabag sa batas lansangan.

Aniya, batid nito ang depensa ng mga magulang na mas makakatipid sila kung bibilhan ng sariling motor ang kanilang mga anak,ngunit ayon sa opisina, hindi dapat ganito ang maging isipin ng mga magulang lalo na at anak nila ang sangkot dito.

--Ads--

Aniya, maari naman nilang ihatid ang kanilang mga anak upang sa ganoon ay nakasusunod pa rin sila sa batas.

Mas epektibo rin ito upang masiguro na ligtas ang magiging paglalakbay ng mga bata patungo sa kanilang eskwelahan.

Mariin ding ipinaalala ng hepe sa mga magulang na sakaling mahuli nila ang mga bata na nagmamaneho ay maaring maharap ang mga ito ng kaukulang parusa.