--Ads--

CAUAYAN CITY Maituturing na magandang development para sa Commision on Election o COMELEC ang paggamit ng Social Media para I-regulate ang pagkalat ng Fake news  lalo na sa panahon ng kampanya.

Ito ang inihayag ni dating Comelec Commissioner Atty. Armando Velasco matapos ang naging pahayag ni Comelec Commissioner Nelson Celis sa paggamit ng naturang ahensiya ng social media para sa kanilang kampanya kontra fake news sa halalan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Armando Velasco, sinabi niya na bagama’t isa itong magandang hakbang ay malaking hamon umano para sa Comelec ang implementasyon nito lalo na at wala pang batas na nagpepenalize sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon.

Aniya, kung voter’s education lamang ang gagawin ng Comelec ay magiging madali lamang para sa kanila ang ipatupad ito ngunit hindi nito mapupuksa ng tuluyan ang fake news.

--Ads--

Madali na lamang umanong magpakalat ng kahit na anong klase ng impormasyon dahil sa teknolohiya ngunit mas mainam aniya kung ang magandang method lamang ng pangangampanya ang ipakalat sa social media.