--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging maayos at tahimik ang pagbabantay ng mga pulis katuwang ang mga force multipliers sa mga sementeryo kasabay ng paggunita ng undas sa rehiyon dos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Andree Abella, tagapagsalita ng Police Regional Office o PRO 2 na sa pagbabantay ng mga pulis sa mga sementeryong pansamantalang ipinasara ngayong undas ay walang naitalang anumang paglabag.

Sumunod anya ang mga mamamayan at iniwasang magpunta sa puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa araw mismo ng Undas.

Nauna na kasing nabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na magtungo sa mga sementeryo bago isinara sa panahon ng  undas upang madalaw ang kanilang mahal sa buhay.

--Ads--

Layunin anya nitong maiwasan ang pagdagsa ng publiko sa mga sementeryo na maaaring maging dahilan ng pagdami ng kaso ng COVID-19.

Nagpapasalamat ang pamunuan ng PRO2 sa katuwang nilang mga force multipliers na malaking tulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa paggunita ng undas.

Ang bahagi ng pahayag ni Lt. Col. Andree Abella.