--Ads--

Tampok sa lungsod ng Cauayan ang paghahabi o weaving ng mga kasuotan ng mga Indigenous People bilang pagbibigay halaga sa Indigenous People’s month sa darating na buwan ng Oktubre.

Puspusan naman sa paggawa ng kasuotan ang Cauayan weavers na beaders association para mapanatili ang kultura ng mga Ga’dangs sa lungsod.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Councilor Jong Gapasin, Indigineous Peoples Representative, sinabi niya na nakakasabay na sa makabago at modernong pamumuhay ang mga Indigenous People ngunit hangad nila na mapanatili ang pagsusuot ng mga tradisyonal na kasuotan kahit sa mga importanteng okasyon lamang.

Sa mahigit 14,000 na indibidwal sa lungsod ay bihira na lamang aniya ang nagpapanatili sa lenggwahe at kasuotan ng kanilang pagkakakilanlan, dahilan kung bakit muling itinampok ang paghahabi o weaving sa Cauayan.

--Ads--

Dahil dito, isang taon na ang operasyon ng weaving center kung saan ang mga indigenous people ay maaaring bumili ng damit at maaaring magsanay sa paghahabi.

Hindi na aniya kinakailangan na magtungo pa sa Mountain Province para lamang matuto sa pag habi dahil bukas ang Cauayan Weaving Center sa lahat ng gustong matuto.

Ibinida na rin sa iba’t-ibang patimpalak ang mga kasuotang likha ng mga Cauayeño.