Nagpapatuloy parin ang paghahanap sa katawan ng nalalang lalaki sa Barangay Lenzon, Gamu, Isabela matapos na malunod dahil sa pagtalon nito sa sinasakyang bangka.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguninang Bayan Member Camilo “Balong” Preza sinabi niya na tuloy tuloy ang ginagawa nilang search and rescue operation sa Cagayan River para hanapin ang biktima na nalunod noong January 4.
Sa katunayan aniya mula sa Barangay Lenzon ay nakarating na ang paghahanp nila sa Barangay Canapi subalit negatibo parin ang resulta.
Nagpatuloy sila sa paghahanap at nasa bahagi na sila ng Lullutan Bridge.
Katuwang na rin nila ang mga kaanak, ka-Barangay, PDRRMO, Rescue Team at MDRRMO Gamu gamit ang tatlong bangka sa paghahanap sa biktima.
Isa sa nagpapahirap sa ginagawang search and rescue operation ang maliit na bangka na kanilang ginagamit sa ngayon na nahihirapan kapag sumasalungat sa agos ng tubig sa ilog.