--Ads--

CAUAYAN CITY – Tutukan ni PCol Julio Go,  bagong panlalawigang director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO)   ang pagpapatupad ng mga hakbang para matiyak na magiging mapayapa at maayos ang  pagdaraos sa Isabela ng lokal at pambansang halalan sa Mayo.  

Imomonitor niya ang pagpapatupad ng mga Comelec checkpoints na dapat well lighted at hidi nagdudulot ng inconvenience sa mga motorista.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PCol Go na sa kabila ng pagtutok nila sa paghahanda sa darating na halalan ay pagtutuunan din nila ng pansin ang tuluy-tuloy na  kampanya laban sa krimen at illegal na droga sa Isabela.

Kasama rin sa kanilang mandato ang pagtutok sa mga hakbang para labanan ang COVID-19 tulad ng pagsunod sa mga minimum health standards.

--Ads--

Ito ay dahil dapat nilang pangalagaan ang kanilang kalusugan na mahalaga sa pagtupad sa kanilang tungkulin.   

May mga sinusunod aniya  sa mga himpilan ng pulisya na health protocol sa mga transaksiyon para sa tuluy-tuloy na serbisyo sa mga mamamayan.

Ayon kay PCol Go, titingnan niya kung ano ang kanyang magagawa sa mga sitwasyon na sangkot ang ilang pulis tulad ng pagkawala ng isang binatilyo sa San Mateo, Isabela at sangkot ang isang pulis.

Patuloy aniya ang internal cleansing at mga hakbang na makakatulong sa mga kapulisan tuad ng paglilinis sa kapaligiran.

Ayon pa kay PCol Go, sa kanyang pagsisimula ng panunungkulan kahapon matapos ang turn over ceremony ay nagpatawag siya ng command conference dakong alas singko kahapon sa lahat ng mga hepe ng pulisya at  force commanders at tinalakay nila ang mga gagawin para sa darating na halalan at mga programa na itutuloy sa kanyang panunungkulan.

Kinausap din niya ang mga personnel sa provincial headquarters, tinanong kung may probema sila at tiniyak na tutugunan ang mga ito kung ipaparating sa mga immediate superior na magpaparating sa pamunuan ng IPPO.

Ang pahayag ni PCol Julio Go.

Si PCol Julio Go ay nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) noong 1999 at unang naitalaga ng tatlong taon  sa Regional Mobile  Group sa Lunsod ng Tuguegarao  bago naitalagang hepe ng ilang himpilan ng pulisya sa Isabela tulad sa bayan ng Quezon, Alicia, San Mateo at San Mariano.

Naitalaga rin siyang hepe ng operation at intelligence section ng IPPO at naging deputy ng intelligence section at naging Police Community Relations Officer.

Noong 2012 ay kasama siya sa Philippine contingent ng United Nations (UN) sa Liberia sa West Africa.

Ayon kay PCol Go, naging hepe rin siya sa Quezon Province, naging intelligence officer  bago itinalaga sa Zamboanga City at naging hepe ng Anti-Cyber Crime Group bago naging Regional Chief ng Anti-Cyber Crime Unit sa region 2.