--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyan ng sampung araw ng Korte Suprema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., NEDA at Tariff Commission para maglabas ng tugon sa inihaing petisyon ng ilang farmers group na humihiling na ipawalang bisa ang Executive Order 62.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Federation of Free Farmers Chairman of the Board Leonardo Montemayor, sinabi niya na welcome development para sa kanila ang desisyon ng Korte Suprema na hingan ng komentaryo si Pangulong Ferdinand Marcos, NEDA at chairperson ng Tariff Commission kaugnay sa inihain nilang petisyon.

Sa kabila ng kawalan ng Temporary Restraining Order o TRO mula sa Korte Suprema ay tiwala parin ang grupo dahil kasama sa kahilingan ay ang Status Quo Ante Order sa Executive Order 62.

Hihintayin at rerespetuhin anya ng Federation of Free Farmers ang magiging pasya ng Supreme Court sa kanilang Status Quo Ante petition.

--Ads--

Sa ngayon anya ay ramdam na sa ilang lugar ang epekto ng EO62 kung saan may mga lugar nang bumaba sa limang piso ang kada kilo ng palay.