--Ads--

CAUAYAN CITY – Matatagalan pa bago maideklara  ang pagiging African Swine Fever (ASF) free ng Isabela sa kabila ng higit isang buwan nang walang naitalang kaso ng ASF sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Angelo Naui, Provincial Veterinary Officer, sinabi niya na makikipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa Department of Agriculture (DA).

Ito ay para sa gagawing pagsusuri sa mga infected areas na hindi na nakapagtala ng kaso ng ASF sa loob ng isang buwan upang tuluyan nang maideklarang surveillance area o buffer zone ang mga Ito.

Bagamat noong May 10, 2002 huling nakapagtala ng kaso ng ASF sa Ramon, Isabela ay aabot ng 4 o 5 na buwan na walang naitalang kaso ng ASF bago maideklara na ASF free ng Isabela.

--Ads--

Patuloy  ang monitoring ng Provincial Veterinary Office sa mga infected areas sa Isabela upang matiyak na walang recurrence o ikalawang  wave ng ASF sa mga lugar na unang naapektuhan ng sakit.

Ayon pa kay Dr. Naui,  naglaan  ng pondo ang pamahalaang panlalawigan para sa ayudang ibibigay sa mga hog raisers na naapektuhan ng ASF.

Ang pahayag ni Dr. Angelo Naui.