Pinoproseso na ng 5th Infantry Division Philippine Army katuwang ang Philippine National Police ang rekomendasyon para maideklarang insugency free ang buong lalawigan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Maj. Eduardo Rarugal, Chief ng Divison Public Affairs Office ng 5th ID sinabi niya na walo na lamang ang natitirang rebeldeng NPA pangunahin sa bahagi ng Cagayan kaya masasabi nilang insignificant na ang kanilang lakas at mahihirapan na sila sa pagbuo muli.
Patunay dito ang planong pagdeklarang insurgency free sa lalawigan ng Isabela patungo sa mas mapayapa at progresong komunidad.
Approval na lamang aniya sa ilang requirement ang kanilang hinihintay para maipagpatuloy ang deklarasyon.
Ilan lamang sa maitutulong ng deklarasyon ng insurgency free ang progreso sa mga geographically isolated areas o mga liblib na lugar na dating pinagkukutahan ng rebeldeng grupo.
Pangunahing role naman ng Philippine Army rito ay ang pagsustain o pagpapanatili ng kapayapaan sa nasabing mga lugar tulad ng pagsasagawa ng community support programs para mas panatag ang pagpasok ng mga proyekto ng pamahalaan.