CAUAYAN CITY – Naging inspirasyon ang pagiging mahirap ni Cadet 1st Class Alvin Balaqui Uday, isa sa mga Cum Laude ng PMA Masadigon Class of 2023 ang pagpasok nito sa prestihoyosong akademya sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Cadet 1st Class Uday na Tubong Amulung, Cagayan na sobra ang kanyang kasiyahan dahil napabilang siya sa mga top graduating cadets sa May 21, 2023
Ang hindi niya malilimutan ay ang kanilang reception day na transition sa pagiging buhay sibilyan patungong military life.
Pinili niya ang Philippine Airforce dahil naniniwala siyang magagamit niya ang kanyang potential na magiging batang Lieutenant sa Philippine Airforce at maging piloto.
Noong nasa Grade 11 siya ay hinikayat siya ng kanyang tiyahin na pumasok sa Philippine Military Academy ngunit underage pa siya noon.
Noong Grade 12 ay kumuha siya ng entrance exam sa PMA ngunit hindi pumasa.
Noong first year college ay muli siyang kumuha ng Entrance Exam sa PMA at pumasa na.
Bukod sa paghikayat sa kanya ng kanyang tiyahin ay naging inspirasyon niya ang kanilang pagiging mahirap para magpursiging magtapos sa Philippine Military Academy.
Masayang-masaya ang kanyang buong pamilya nang malaman nilang magtatapos na siya sa PMA at isa rin siya sa mga magiging Cum laude na magtatapos.
Matapos ang kanilang graduation ay uuwi siya sa kanilang lugar upang makasama ang kanyang pamilya bago siya sasabak sa kanyang assignment.