--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahalagang kumain ng masusustansyang pagkain ngayong mainit ang panahon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Health Education and Promotion Officer III Veronica Angel Subido ng Cagayan Valley Medical Center, registered Nutritionist at Dietitian, sinabi niya na mahalagang may stock ng masustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas sa mga refrigerator lalo na kung may mga kasamang bata.

Aniya ang mga prutas ay napakahalaga sa nutrisyon lalo ngayong mainit ang panahon.

Kailangan lamang maging creative ng mga magulang sa pagpapakain ng mga prutas sa mga bata tulad ng mga strawberry na pwedeng gawing shake, kalamansi na pwedeng gawing juice at iba pang pagkain.

--Ads--

Huwag aniyang dumepende sa mga processed foods tulad ng mga softdrinks at juice lalo na kung sobra ang pagconsume dahil marami nang natanggal na nutrients sa mga ito habang pinoproseso at nadadagdagan ng asukal at iba pang mga kemikal.

Lagi ring suriin ang mga label ng binibiling food products dahil karamihan sa mga ito ay nilalagyan ng artificial chemicals na delikado sa katawan.

Iwasan din ang mga fried foods at mga maaanghang na pagkain ngayong summer season dahil nakakadagdag ito ng init sa katawan na nagdudulot ng pagpapawis at pagkawala ng fluids at electrolytes.