--Ads--
CAUAYAN CITY– Naranasan ng isang ginang na nadengue ang anak kaya nagpasya siyang mag-donate ng dugo sa isinagawang 2017 Dugong Bombo
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Flaviana Elizarde, 50 anyos at residente ng Mallig, Isabela na noon ay nabiktima ng sakit na dengue ang kanyang anak.
Nangailangan anya ng dugo ang kanyang anak at dito niya naisip na napakahalaga ng pagdodonate ng dugo.
Aniya, nahirapan sila na nakahanap noon ng dugo kaya noong nabalitaan na mayroong Dugong Bombo 2017 at isa ang Cauayan City sa 24 na key Cities sa bansa na pagsasagawaan ay kanya nang sinamantala upang makapag-donate ng dugo.
--Ads--




