--Ads--

CAUAYAN CITY – Panahon na para ibalik ang pagkakaisa at pagiging maingat ng mga Pilipino na nakita noong 1986 EDSA People Power Revolution ngayong may COVID-19 pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Tourism Officer Troy Alexander Miano na pagkakaisa at pagiging maingat ang pinakadiwa ng People Power Revolution.

Ginawa ito ng sambayanang Pilipino dahil nakita nila ang pagmamalabis sa mga panahong iyon at para maibalik ang nawawala nang demokrasya at kalayaan ng Pilipino.

Ayon kay Dr. Miano, ngayong nakakaranas ang buong mundo ng pandemya ay napapanahon na ibalik ang ginawang pagkakaisa noon ng mga Pilipino.

--Ads--

Magkaisa na mag-ingat, sumunod sa mga alituntunin at maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa lipunan para hindi mahawa sa virus at mahadlangan ang ibayong pagkalat ng COVID-19.

Ang pahayag ni Dr. Troy Alexander Miano