--Ads--

Isinentro ng host country na Thailand ang pagkakaisa sa mga Southeast Asian countries sa pormal ng pagbubukas ng 33rd Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Rajmangala National Stadium in Bangkok.

Ipinakita sa opening cermony ang balanseng kultura ng Thailand at ang kasaysayan ng SEA Games ganun din ang kagandahan ng competisyon sa mga regional countries.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng drone show na kinabibilangan ng 800 drones. Sa kaniyang sinabi ni Thailand Prime Minister Anutin Charnvirakul na ang SEA Games ay hindi lamang pangunahing sporting events sa Southeast Asia at sa halip ay reflection ito sa mga kasalukuyang kaganapan kung saan nagiging matindi ang kaguluhan subalit nangingibabaw pa rin ang pagkakaisa.

Nagkaron ng pagparada ng mga bansang kalahok kung saan sa Pilipinas ay pinangunahan ni Pinay tennis star Alex Eala at volleyball team captain Bryan Bagunas kasama ang 200 na ibang atleta na naglakad. Mayroong kabuuang 1,600 na delegado ang Pilipinas kasama na ang atleta, coaches at mga opisyal.

--Ads--