--Ads--

CAUAYAN CITY – Natukoy na ang pagkakakilanlan ng nasawing myembro ng New People’s Army sa naganap na sagupaan sa Sitio Burubur, Brgy Magapit, Lal-lo, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cpt. Bryan Albano, Civil Military Operations Officer l ng 501st Infantry Brigade sinabi niya na ang nasawi ay si Paloc Salvador, o ka Wallen/Songsong, dalawampu’t walong taong gulang at tubong Quirino Province.

Siya ay nagsimula bilang myembro ng Rehiyon Sentro De Gravidad o RSDG ng Central Front bago napunta ng Komiteng Probinsya ng Isabela bilang Squad Leader.

Kung matatandaaan ay nagkaroon ng sagupaan sa panig ng kasundaluhan ng 501st Infantry Brigade at ilang kasapi ng Komiteng Probinsya Cagayan at Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley noong ika-labing pito ng Marso na nagresulta sa pagkasawi ng isa sa mga ito at pagkaka rekober ng tatlong matataas na kalimbre ng baril, iba’t ibang uri ng bala, mga gamit sa komunikasyon, personal na kagamitan, medical paraphernalia, at mga mahahalagang dokumento.

--Ads--

Sa kasalukuyan, patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng 501st Infantry Brigade  sa mga tumakas at natitira pang myembro ng Komiteng Probinsya Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Nanawagan ang 501st Infantry Brigade at ng Pamahalaang Bayan ng Gattaran, Cagayan sa mga kaanak at kapamilya ni Ka Wallen/Sonsong upang maiuwi na ang kanyang bangkay para mailibing ang kanyang mga labi malapit sa kanilang bayan dahil pansamantalang inilibing ang mga labi nito sa Gattaran Public Cemetery.