Makalipas ang isang Linggo ay unti-unti nang nabibigyang linaw ang pagkakakilanlan ng putol na katawan ng isang lalaking natagpuang palutang-lutang sa ilog na sakop ng Barangay Lacab, Jones, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Prospero Agonoy ang hepe ng Jones Police Station, sinabi niya na natapos na ang proseso sa pagkuha ng bucal swab sa Pamilyang nag cla-claim sa natagpuang bangkay para sa DNA testing subalit aabutin pa ito ng humigit kumulang isang buwan bago malaman ang resulta.
Sa katunayan mas tumaas ang posibilidad na makilala na ang pagkakakilanlan ng natagpuang putol na katawan ng lalaki matapos na marekober sa Barangay Barangcuag, Angadanan, Isabela ang nawawalang ulo at kamay ng naturang bangkay.
Aniya nagtungo na rin sa kanilang himpilan ang Pamilya Cristobal para sana I claim ang kalahati ng katawan ng sinasabi nilang kaanak na nasa pangangalaga ng Jones Police Station bitbit ang affidavit subalit hindi muna nila ito ipinasakamay sa Pamilya dahil sa kailangan pa rin hintayin ang resulta ng isinagawang pagsusuri ng PNP.
Batay sa kaanak na nag cla-cliam sa bangkay na nakilala at kinukumpirma nila ang pagkakakilanlan ng naturang labi dahil sa mga nakita nilang palatandaan sa upper body o ulo at kamay na hiwalay na natagpuan sa ilog na sakop ng Barangay Barangcuag.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ay may ilang impormasyon na rin silang nakalap na sa Bayan ng Angadanan Isabela posibleng ginawa ang krimen at itinapon lamang ang kalahati ng katawan nito sa Barangay Lacab, Jones, Isabela.
Panawagan niya sa publiko na sinoman ang may nalalaman o anumang impormasyon sa naturang krimen na makipag ugnayan sa mga otoridad upang agad na mabigyan ng hustisya ang kalunus-lunos na sinapit ng biktima.