CAUAYAN CITY – Ikinagulat ng mga opisyal ng Buneg, Echague, Isabela ang pagkakaroon ng safehouse ng Peralta Robbery hold-up at Kidnapping sa kanilang barangay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Barangay Kagawad Efren Saet ng Barangay Buneg na wala silang alam sa sinasabing nagkaroon ng safehouse ang Peralta gun for hire group.
Anya ang kanilang barangay ay isang matahimik na lugar at abala sila sa ginaganap na Mengal Festival sa kanilang barangay at nalaman lang nila ang sinasabing raid kinahapunan ng kanilang pagdiriwang.
Hindi rin anya nila alam kung mayroong mga dayuhan na nakatira sa tinutukoy nilang safehouse.
Malayo anya sa centro ng kanilang barangay ang tinutukoy na safehouse at kabarangay naman anya nila ang nakatira doon.
Wala naman anya silang napapansin na dayuhang sa kanilang barangay kaya’t ikinagulat nila ang pangyayari.
Sinabi pa ni Kagawad Saet na nasa Maynila ang may-ari ng bahay na umanoy ni-raid ng mga otoridad at bihirang magbakasyon.
Magugunitang, sinalakay ng mga tauhan ng PNP-AKG ang safehouse ng sindikato at dito nahuli ang suspek na si Reymund Dequina kung saan nakuha sa kaniyang posisyon ang isang shotgun at granada.