--Ads--

Status Quo at walang inaasahang malaking pagbabago para sa Pilipinas ang matagumpay na halalan sa Estados Unidos kung saan nagwagi si President Donald Trump.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, isang Political Analyst, sinabi niya na sa ngayon ay walang mga indikasyong magkakaron ng pagbabago sa Foreign Policy subalit pinangangambahan na mas paiigtingin ni Trump ang kaniyang Economic Competition sa China.

Aniya kung mangyayari ito ay hindi malabong madadamay sa usapin ang West Philippine Sea kung magkakaron ng panibagong girian ang US at China.

Wala rin naman aniyang dapat ipangamba ang Pilipinas sa gagawing crack down ng Trump Administration kaugnay sa mga illegal immigrants dahil halos lahat naman ng mga Pilipino sa Estados Unidos ay dumadaan sa tamang proseso at may mga legal na dokumento bago nagtungo sa naturang Bansa.

--Ads--