--Ads--

CAUAYAN CITY – Pangunahing hinaing ng mga residenteng isinailalim sa mental psycho social support program ng Department of Health (DOH) Region 2 sa Mabini at Lipa Batangas ang pagkasira ng kanilang pangkabuhayan at mga tahanan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Lexter Guzman tagapagsalita ng DOH region 2 sinabi niya na karamihan sa mga evacuees ay nakakaranas ng trauma kaya nais ng DOH region 2 na maibsan ito.

Aniya, nahati ang team ng DOH region 2 ng dalawa na binubuo ng tatlompu’t anim na siyang nagbibigay ng serbisyong medikal sa Mabini at Lipa Batangas.

Pangunahin sa layunin ng DOH region 2 sa pagsasagawa ng stress debriefing sa mga bakwit ay ang maipalabas ang mga hinaing at mga dinaramdam nila dahil sa kasalukuyang umiiral na kalamidad sa Lalawigan.

--Ads--

Maliban naman sa mental psycho social support ay nagsagawa rin sila ng medical mission, water sanitation, health education activities, at surveillance o monitoring ng mga sakit na maaaring makuha sa loob ng evacuation center.

Sakabila nito ay tiniyak naman ng DOH region 2 na nasa maayos na kalagayan ang mga bakwit sa mga evacuation centers na kanilang tinungo pangunahin na ang mga buntis dahil may mga itinalagang health corner sa bawat evacuation center upang mabantayan at masubaybayan ang kalusugan ng mga evacuees.

Tinig ni Llexter Guzman, spokesperson ng DOH Region 2.