Prayoridad ng forensic expert ng Swiss Government na makilala ang 40 kataong nasawi sa naganap na sunog sa isang ski resort sa pamamagitan ng DNA comparison.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jennelyn Liagao na mula kahapon ay nanatili sa 40 katao ang nasawi habang nasa 115 katao ang sugatan, karamihan ay may brain injury.
Aniya, ang mga nasugatan ay nailipat sa iba’t ibang ospital, partikular sa mga special burn centers sa karatig-bansa kabilang ang France, Italy, Germany, Poland, at Belgium.
Labinlimang pasyente na wala pang 18 taong gulang ang dinala sa Zurich Child Hospital.
Sa ngayon, nananatiling prayoridad ng Swiss Government ang pagkilala sa 40 katao na nasawi dahil sa matinding pagkasunog. Ang mga biktima ay mula sa France, Italy, Germany, Belgium, Portugal, at Pilipinas.
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na sa kasagsagan ng year-end party isang waiter ang nagsindi ng sparkling fountain na naging sanhi ng biglaang pagliyab.
Dahil sa dami ng tao, nagkaroon ng stampede at nahirapan ang mga bisita na makalabas dahil iisa lamang ang entry at exit ng establisyimento.





