--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinuturing ng 5th Infantry Division Philippine Army na propaganda ang inilabas na mensahe ng Karapatan Cagayan Valley na kumukondena sa isinagawang programa ng militar katuwang ang mga sundalo ng Amerika sa  San Francisco, Alicia Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Captain Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army sinabi niya na walang naganap na harassment sa mga residente ng naturang barangay at isinasagawa ang kanilang proyekto.

Magugunitang pinasinayaan ng 5th ID at ilang opisyal ang kickoff ng Balikatan exercises at isa ang naturang barangay pangunahin  ang isang paaralan ang napiling benepisyaryo para sa ipapatayong karagdagang silid aralan.

Wala rin umanong katotohanan ang interrogation ng militar sa isang Renato Gamming, peasant leader ng Danggayan daguiti Manalon iti Isabela at  kilusang magbubukid ng Pilipinas.

--Ads--

Ayon kay Army Captain Pamittan, hindi interrogation ang kanilang ginawa kundi pagtatanong lamang sa kanilang karanasan sa loob ng mga organisasyong itinuturing o kabilang sa mga naideklarang terrorist group.

Ang bahagi ng pahayag ni Army Capt. Rigor Pamittan

SAMANTALA, nasa limang daan at dalawampu’t pitong  dating taga suporta ng komunistang grupo at  miyembro ng Peoples Organization, Asosasyon ng Magtutubo at Asosasyon ng nagkaisang manggagawa ng Sta. Maria ang dumalo sa peace rally.

Inihayag ni Captain Pamittan, na ipinakita ng naturang grupo ang pagkondena sa CPP-NPA-NDF sa pagsasagawa ng peace rally, at pagsusunog ng mga Effigy.

Kasabay nito ay nagsimula rin ang kanilang TESDA training na pangungunahan ng TESDA Region 2, kabilang dito ang food and meat processing at bread making, bread and pastry production, organic agriculture production, driving NC II at shading metal art making.

Ang karagdagang pahayag ni Army Capt. Rigor Pamittan.