--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakakatawa umano ang pagkondena ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang raid o paggalugad ng kapulisan sa properties ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.

Matatandaan na noong Lunes, Hunyo 10 ay nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga pulis at taga-suporta ni Quiboloy matapos ang pagsisilbi ng warrant of arrest sa naturang pastor.  

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sinabi niya na sa tono ng pananalita ni Duterte ay tila siya ang biktima kahit sa totoo lang ay wala din naman siyang pakundanagan sa Due Process at Human Rights noong siya ang nakaupong pangulo.

Aniya, bagama’t nakakatawa ay nakakalungkot naman ang katotohanan na isa ito sa mga kabulukan ng mga politiko na walang ibang inisip kundi ang kanilang sariling interes.

--Ads--

Napaghandaan na umano ni Quiboloy ay pag-aresto sa kaniya at parte umano ng kaniyang taktika ang gamitin ang kaniyang mga taga-suporta bilang panangga.

Giit naman ni Atty.Yusingco na hindi gumamit ng labis at unnecessary force ang mga pulis bagkus ay normal lamang para sa kanila ang magtungo sa isang operasyon ng handa at may lakas na pwersa.

Aniya, ginagawa lamang ng mga kapulisan ang kanilang tungkulin kaya huwag itong masamin lalo na at ang warrant of arrest laban kay Quiboloy ay naka-base sa Constitutional parameters.