CAUAYAN CITY– Mahalaga ang pagdiriwang ng world wetlands Day na ipinagdiwang kahapon dahil sa naglalayong bigyang kalagahan ang mga wetland na pinanggalingan ng fresh water.
Ito ang sinabi sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan ni Technical Services Division Chief Reynaldo Ramos ng PENRO Isabela
Anya ang theme ngayon ng World Wetlands Day ay “Wetlands and Water” na ipinagdiriwang tuwing February 2 ng bawat taon.
Inaanyayahan nila ang lahat na gumawa ng aksiyon upang ma-restore at mapangalagaan ang ating mga wetland na nagbibigay ng ating kabuhayan..
Sinabi ni Technical Services Division Chief Reynaldo Ramos na nag-organisa sila ng focus group discussion at natalakay ang kahalagahan ng wetland bilang pinagmumulan ng fresh water.
Kabilang anya sa mga aktibidad sa nasabing pagdiriwang ay ang educational campaign, cleaned-up, tree planting, water hyacinth (hayacint) removal, bird watching at site visits ng mga kawani ng CENRO Naguillian, Cauayan City, Palanan, San Isidro at mga PENRO sub-office sa mga wetlands
Mayroon anyang walong wetlands sa Isabela na kinabibilangan ng Santa Catalina Wetland, Balligi Small water impounding Dam sa Quirino, Isabela; Malasi Lake , Akkal, at Baddi sa Cabagan, Isabela at dibovevoran wetland sa Divilacan, Isabela.
Myroon ding wetland sa Viga, Angadanan, Isabela; Monterey Lagoon sa Cauayan City; Small impounding Dam sa Usol, Jones, Isabela at Magat Dam Reservior sa Ramon, Isabela.
Ang wetland ay mayroong dalawang klasipikasyon na kinabibilangan ng Permanent or Inland Wetlands at Human made wetlands.
Ang Inland wetlands ay kinabibilangan ng marshes, saltwater, estuaries, mangroves, lagoons at coral reefs habang ang Human made wetlands ay Fishponds, rice paddies at saltpans
Sa ngayon anya ay binabantayan at inaalagaan ng DENR ang mga wetland sa lalawigan ng Isabela











