
CAUAYAN CITY – Pinawi ng Tactical Operations Group o TOG 2 ang pagkabahala ng mga mamamayan sa mga eroplano ng Philippine Airforce at United States Airforce na nakikitang lumilipad sa gabi sa nasasakupan ng Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, ipinaliwanag ni Lt. Col. Sadiri Tabutol, Commander ng TOG 2 na ang mga paglipad ng mga eroplano ay bahagi ng Bilateral Air Contingent Exercises na idinadaos kada sampung taon katuwang ang United States Airforce.
Sinabi ni Lt. Col. Tabutol na nagkakaroon ng inter-operability Exercises at kasama ang Isabela sa itinalagang pagsasagawaan ng Intensive Military Training Area.
Hindi lamang pagpapalipad ng eroplano ang ibinibigay na exercises sa pagsasanay kundi mayroon ding mga lectures at training on the deployment Planning on basic Security.
Nagpadala rin ng dalawang kasapi ng TOG 2 upang sumailalim sa training courses tulad ng kung paano mag-deploy ng mga tao, ano ang mga nararapat na base security measures gaya ng mga tactical combat casualty care sa mga fly away security concept at marami pang iba.
Ang paglipad ng mga eroplano ay coordinated sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.










