--Ads--

CAUAYAN CITY- Tututukan na ngayon ng Cauayan City Police Station ang mga kumakalat na budol-budol at gumagamit ng pekeng pera sa Cauayan City, Isabela

Matatandaang sa nakalipas na araw ay ilang negosyante ang muntikan na namang mabiktima ng budol-budol.

Ilang negosyante ang dumulog sa Bombo Radyo Cauayan matapos na sila ay puntahan ng isang babaeng nagsasabi sa kanilang mga empleyado na may utang ang may-ari na kailangan nitong bayaran.

Ang ipinagtataka ng mga negosyante ay kilala sila ng kawatan dahil alam nito kung wala sila sa establisimento at tanging mga empleyado lamang ang kanyang makakausap.

--Ads--

Batay sa Cauayan City Police Station, gagawa na sila ng paraan upang hindi na makapambiktima pa ang mga masasamang loob.

Pinaalalahanan naman ng pulisya ang mga negosyante na suriing mabuti ang mga ginagamit na perang pambili ng kanilang paninda upang hindi sila mabiktima ng pekeng pera.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay magsasagawa ng inspeksyon ang pulisya sa mga installed CCTV Cameras sa mga establisimento upang matiyak na ito ay gumagana at makakatulong sakaling may mabiktima ng mga kawatan.