--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya kaugnay sa pagtangay sa ilang bags ng binhi ng mais sa Luna Municipal Agriculture Office, sa Brgy. Centro 3, Luna, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Luna Police Station, nasa 22 bags ng hybrid na binhi mula sa compound ng naturang tanggapan ang tinangay ng mga pinaghihinalaan.

Nagawa umanong makapasok at matangay ng mga pinaghihinalaan ang mga binhi sa kabila ng pagkakaroon ng security worker sa nasabing tanggapan.

Nakunan naman ng CCTV ang nasabing pangyayari.

--Ads--

Ayon sa pulisya, nagkakahalaga ng 5,000 pesos ang bawat bags ng binhi.