--Ads--

CAUAYAN CITY– Malaking dagok sa mga  rebeldeng pangkat ang pagpanaw ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison na kasalukuyang naka-exile  sa Netherlands.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Army Captain Rigor Pamittan, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Phil. Army na ang pagpanaw  ng CPP Founding Chairman Jose Maria Sison  ay wala nang ilaw na gagabay sa mga kasapi ng NPA sa  kanilang arms struggle.

Ang founding anniversary pa mandin ng NPA ay sa December 26  na itinatag noong 1959.

Nakikita na rin nila ang magandang  resulta ng mga programa ng pamahalaan para sa mga rebelde kayat tuloy tuloy ang pagbagsak ng rebeldeng pangkat sa lambak ng Cagayan at sa Cordillera Administrative Region  maging sa buong bansa.

--Ads--

Hindi rin anya maikakaila na si Joma Sison ang naging utak ng  lahat ng mga  pamamaslang,panununog ng mga gamit ng mga malalaking kompanya maging ang pagsira sa kinabukasan ng mga kabataan.

Ang pahayag ni Army Captain Rigor Pamittan