--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinabulaanan ng Labor attache ng Oman na pinapabayaan nila ang mga Pinoy workers sa naturang bansa na apektado ng lockdown dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Greg Abalos, Labor attache sa Oman, sinabi niya na nakapagsimula na silang magbayad sa mga naunang naproseso ang requirements para sa DOLE-ACAP.

Ang problema lamang nila ngayon ay ang online banking dahil limitado lamang ang kanilang transaksyon.

Gayunman, gumagawa na sila ng mga paraan para patuloy pa rin silang makapagbigay ng tulong.

--Ads--

Ayon kay Atty. Abalos, halos anim na libo na ang nakapag-apply kaya nag-cut off muna sila habang nagsasagawa sila ng evaluation.

Aniya, ang mga mabibigyan ng tulong ay makakatanggap ng 200 dollars o P10,000.

Bukod dito ay may mga relief goods din silang ipinapamahagi na pinagtutulungan na lamang nila ng mga Filipino Communities doon na i-provide dahil wala namang relief goods na ipinapadala ang Pilipinas.

Hiniling din niya ang pang-unawa ng mga ito dahil apat lamang sila na regular na kawani ng POLO sa nasabing bansa.

Tinig ni Atty. Greg Abalos.