--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi sapat para sa Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang ibinigay na palugit o pahintulot para sa mga non-cosolidated Public Utility Vehicle na makapagpasada sa mga piling ruta pagkatapos ng December 3, 2023.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PISTON Chairman Mody Foranda, sinabi niya na ang isang buwang palugit na ibinibigay para sa mga non-consolidated Public Utility Vehicle ay paraan lamang para magkaroon ng public viewing lalo at ipinag-utos na rin ng Korte Suprema na sagutin na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board maging ng Department of Transportation ang inihain na Temporary Restraining Order ng PISTON kaugnay sa deadline ng consolidation sa December 31, 2023 para sa Public  Utility Vehicle Modernization Program.

Giit niya na ang ibig sabihin lamang ng consolidattion ay pag-surrender nila ng kanilang prangkisa na magbibigay ng pagkakataon para sa iilan lamang o monopolyo na pangasiwaan na ang mga modern jeepney units.

Batay na rin sa resulta ng kanilang huling pag-uusap o paghaharap sa LTFRB ay wala naman silang nakuhang konretong kasagutan sa halip ay muli lamang umano itong pag-aaralan.

--Ads--

Kung ito aniya ang tugon ng LTFRB ay dapat na alisin na ang deadline para sa consolidation at payagan ang mga PUV driver at operator na makapagpasada.