--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling tinuligsa ng pamahalaang Japan ang pinakahuling pagpapakawala ng North Korea ng short range ballistic missile.
Inihayag ng Joint chief of staff ng North Korea na mula sa isang submarino ang pinakawalang missile.
Inihayag ni Bombo International News correspondent Myles Beltran na kinumpirma ng Japanese Coast Guard na tumama ito sa dagat na nasasakupan ng bansa dakong alas dos ng hapon noong Sabado.
Ito na ang ikalabing-apat na paglulunsad ng North Korea ng ballistic missile.
--Ads--
Nais nitong magpakita ng puwersa para magkaroon umano ng pangamba ang mga kaaway na bansa tulad ng South Korea at Estados Unidos.










