--Ads--

CAUAYAN CITY-Patuloy ang pagbaba ng water elevation ng Magat Dam sa Ramon, Isabela kaya itinigil ng dalawang buwan ang pagpapalabas ng tubig patungo sa mga irrigation facility.

Ang water elevation ngayon ng Magat Dam ay 152.86 meters above sea level.

Ang inflow ay 33.56 cubic meters per second habang ang ouflow ay 18.85 cubic meters per second

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Wilfredo Gloria, Deparment Manager ng Magat River Irrigated Irrigation System (NIA MARIIS), sinabi niya na ang dalawang buwang total delivery cut off ay para sa rehabilitasyon ng mga irrigation facility para sa mas maayos at mas magandang serbisyo sa mga magsasaka.

--Ads--

Paraan din umano ito para na rin hindi umano agad masira ng anumang magdaang bagyo ang kanilang mga irrigation facility.

Idinagdag pa ni Eng’r. Gloria na noon pang ikadalawampo ng Marso, 2019 sana ipatutupad ang total delivery cut off ng tubig ngunit pinalawig ito ng ilang araw para sa mga magsasakang nahuling mag-ani ng kanilang mga palay at mais.

Mayroon umanong animnapong libong metriko tonelada ang naani na ng mga magsasaka.