--Ads--

Sa kanyang Ika-apat na State of the Nation Address, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang seryosong krisis na kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa Pilipinas, mula sa mababang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa agham, matematika, at pagbabasa, hanggang sa tumitinding bilang ng mga drop-out sa junior at senior high school.

Dahil dito ay gumagawa ng hakbang ang Pamahalaan para palakasin ang Early Childhood Care and Development bilang tugon sa kakulangan ng daycare centers na bininbin mula pa noong dekada ’90.


Aniya, itinayo ang mahigit 300 Barangay Child Development Centers at Bulilit Centers upang tugunan ang pangangailangan ng mga komunidad.

Pinabilis narin ang pagbabakuna sa mga bata at sinimulan ang YAKAP Caravan, para sa libreng medical check-up, lab tests, at gamot para sa mga guro at estudyante.

--Ads--

Inilunsad ang ARAL Program para sa academic recovery at accessible learning.

Naglatag ng 22,000 bagong silid-aralan sa loob ng tatlong taon, at target pang dagdagan ng 40,000 classrooms.

Nagsimula na rin aniya ang distribusyon ng laptops para sa mga guro, kasama ang smart TVs, libreng Wi-Fi, at SIM cards na may libreng load.

Maliban jan nagdagdag din ng 60,000 teaching items upang matugunan ang kakulangan sa manpower.

Tinanggal ang halos 100 non-teaching paperwork; isinusulong ang full digitization para mapagaan ang task o gawain ng mga guro.

Magandang balita naman para sa lahat ng kaguruan sa bansa dahil siniguro ng Pangulo na makatatanggap na sila ng bayad para sa teaching overload at overtime ngayong school year.

Samantala, pinalawak ang TVET sa Senior High School upang makakuha ng NC II o NC III kahit bago pa magtapos.

Mahigit 200,000 bagong scholarship slots ang binuksan para sa Tech-Voc sa 2024 habang mahigit 2 milyong estudyante taun-taon ang nakikinabang sa libreng kolehiyo.

Dagdag na 260,000 learners mula noong simula ng administrasyon. maglalaan naman ng ₱60 bilyon ang ilalaan para sa libre at subsidiadong kolehiyo sa susunod na taon.

Mula sa 22 noong 2022, 114 kolehiyo at unibersidad na ang kinikilala sa buong mundo—68 sa mga ito ay pampubliko.

Magkakaloob din ng Presidential Merit Scholarship para sa mga high school graduates na Highest Honors.

Ayon sa Pangulo, “Kapag kalidad ang pag-uusapan, hindi nagpapahuli ang Pilipinas.” Ito’y mensaheng nagsusulong na ang edukasyon ay hindi lamang serbisyo, kundi pundasyon ng pag-angat ng bawat pamilyang Pilipino.