--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbigay ng abiso ang ilang mga LPG Stores sa Lungsod ng Cauayan na ang swapping ng LPG generic cylinder ay hanggang December ngayong taon na lamang.

Sa naging panayam  ng Bombo Radyo Cauayan kay Robinson John Calderon, LPG Store owner, sinabi niya na nasabihan na nila ang kanilang supplier o marketer tungkol sa palugit.

Sa ngayon ay iilan na rin aniya ang mga store na pumapayag sa swapping .

Binibigyan lang aniya nila ng pagkakataon ang mga konsyumer na makapagpapalit ng tangke kung saan hindi kinakailangang magdagdag ng bayad ang konsyumer para lamang mapapalitan ang kanilang generic cylinder.

--Ads--

May isang brand kasi umano ng LPG ang tumatanggap pa rin ng free swapping ngunit hanggang ngayong taon lamang.

Basta kinakailangan lamang aniya na hindi pa totally damage ang tangke bago ipalit.

Napag-alaman din kasi aniya nila na ang ilang mga konsyumer ay bumili pa ng panibagong tangke dahil sa pag-aakala na hindi na pwede ang swapping ng mga generic cylinder.

Sayang aniya ang mga lumang LPG tank kung hindi na mapapakinabangan ng mga konsyumer.

Hinihikayat ng mga LPG owners ang mga konsyumer na pumunta na sa kanilang mga suking bilihan ng LPG para sa swapping.