--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaigting pa ng City Veterinary Office ang pagpapatupad ng curfew hours sa pagkatay ng mga baboy sa slaughter house sa Brgy. Cabaruan, Cauayan

Ayon sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Ronald Dalauidao ng City Veterinary Office, sinabi niya na alas dose ng hating gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw lamang pwedeng magkatay ng baboy sa slaughter house.

Ang mga hindi makakatay dahil naabutan ng curfew ay kailangang iuwi ng mga nagmamay-ari upang agad na malinisan ang lugar.

Aniya aabot sa siyamnapu hanggang isandaang baboy ang kinakatay kada araw kaya dapat lamang na magkaroon ng sapat na oras sa paglilinis at upang makapagpahinga na rin ang mga inspection team na sumusuri kung ligtas na ibenta at kainin ang karne.

--Ads--

May ilang mga tindera na rin ang nagrereklamo sa curfew hours dahil hindi nakakatay ang kanilang ibebenta sana sa palengke.

Kaugnay nito, humingi siya ng paumanhin sa mga tinderang naaapektuhan ng curfew at inabisuhan niya na lamang sila na agahan ang pagdeliver ng kanilang mga kakataying baboy.