--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinawi ng Police Regional Office (PRO2) ang pangamba ng mga residente ng Tuguegarao City kaugnay ng umano’y pagpasok ng ISIS sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt Col Chivalier Iringan, spokesman ng PRO2, sinabi niya na nagsagawa ng beripikasyon ang kanilang mga intelligence operatives sa napaulat na pagpasok ng mga ISIS sa nasabing lunsod.

Aniya, sa kabila ng nalaman nila na gawa-gawa lamang ito ng iba’t ibang grupo ay hindi nila ito binabalewala dahil nagdudulot ito ng pagkabahala ng mga mamamayan.

Mas lalo nilang paiigtingin ang kanilang intelligence monitoring at police visibility gaya ng pagsasagawa ng checkpoint at pagpapatrulya upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang mga masasamang loob na maghasik ng anumang karahasan.

--Ads--
Ang tinig ni PLt Col Chivalier iringan