CAUAYAN CITY – Mahalagang piliin ng mga botante ang mga mamuno sa bansa na may kredibilidad, hindi nagsisinungaling, competent at mayroong pagnanais na manilbihan sa bayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Domingo Cayosa, dating IBP President na hindi pa magiging pinal ang mga kakandidato sa Local at National Elections hanggat hindi pa natatapos ang ikalabing Lima ng Nobyembre, 2021 na maaaring maghain ng Substitution.
Dito anya malalaman kung sino ang seryosong kakandidato o kaya ay panakip butas pa lamang dahil mayroong mga politikong gumagamit ng taktikang substitution.
Maganda anya at maraming nagkainterest na kumandidatong Presidente at sa iba pang national positions dahil ito ang ipinapahiwatig ng pagiging Demokratikong bansa.
Sa kanyang tingin ay lima ang seryosong kakandidatong Pangulo ng bansa at kapag nahati hati ang boto ang magiging susunod na Pangulo ay tiyak na Minority na naman at makakakuha rin siya ng less popular support.
Iba anya kapag majority ng mga mamamayan ang bomoto sa isang Pangulo
Sinabi pa ni Atty. Cayosa na kumpara sa mga bansang mayroong matured democracy at mayroong Party System dito anya sa Pilipinas ay walang parti-partido kundi personalan at walang masyadong ipinaglalaban na prinsipyo o party policies o stand kundi lahat ay pare-pareho ang sinasabi.
Ang magagawa na lamang anya ng mga botante ay kailangang piliin ng mga botante kung sino ang may kredibilidad, hindi nagsisinungaling, competent at mayroong pagnanais na manilbihan sa bayan.











