--Ads--

CAUAYAN CITY – Naniniwala ang Santiago City Police Office (SCPO) na nakatulong sa pagsugpo ng kriminalidad ang pagsailalim ng lunsod sa mas mahigpit na quarantine status.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt.Col. Edgar Pattaui, chief ng Police Communications Affairs and Development Unit ng SCPO, dahil sa mahigpit na quarantine status sa lunsod ay madalang na lamang ang nirerespondehan ng mga awtoridad na kriminalidad.

Malaking tulong aniya ang police visibility sa mga pangunahing lansangan sa lunsod at paglalatag ng checkpoint.

Muli naman niyang hinimok ang mga mamamayan na makipagtulungan para mapanatiling payapa ang buong lunsod.

--Ads--

Matatandaang muling pinalawig ang pagsailalim ng lunsod ng Santiago sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na nagsimula pa noong Abril.

Tinig ni PLt.Col. Edgar Pattaui.