Sinimulan na kahapon, Enero 12, ang pagsasaayos at pagkukumpuni sa Sipat Bridge na matatagpuan sa pagitan ng District 3 at Labinab, Cauayan City.
Dahil sa naturang proyekto, pansamantalang isinara ang tulay sa lahat ng uri ng sasakyan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang isinasagawa ang konstruksyon.
Pinapayuhan ang mga motorista at residente na gumamit ng mga alternatibong ruta kabilang ang:
San Francisco Road
Dabburab-San Francisco Road
Rizal-San Francisco Road
Culalabat-Research Road
Layunin ng pagkukumpuni na mapabuti ang daloy ng trapiko at masiguro ang mas ligtas na biyahe para sa mga taga-Cauayan City at karatig na barangay.
Matatandaan na nasira ang approach ng tulay matapos na matibag ang ilalim nito dulot ng malakas na agos ng tubig sa ilog dahil sa mga pag-ulan.
Una naring gumawa ng hakbang ang LGU Cauayan at pinabunan ang nabutas na bahagi ng tulay gayundin na nilimmitahan ang load limit sa pamamagitan ng paglalagay ng vertical clearance.





