--Ads--
CAUAYAN CITY – Aprubado na ng pamahalaang lunsod ang pagsasaayos ng mga kanal sa District 3, Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Brgy. Kagawad Robert Corotan, sinabi niya na nakatakdang simulan ang pagsasaayos sa mga kanal bago matapos ang buwan ng Enero.
Aniya, nais nilang matapos ang proyekto sa lalong madaling panahon dahil sa pinamumugaran ito ng mga lamok na nagdadala ng sakit sa mga residente.
Determinado rin ang pamunuan ng nabanggit na Barangay na maisaayos ang mga kanal sa kanilang lugar dahil sa hinaing ng mga residente hinggil sa mabaho at maruming mga drainages.
--Ads--
Matatandaan na minsan nang naging ugat ng away ng mga residente ang mga mabahong kanal sa naturang barangay.
Tinig ni Brgy. Kagawad Robert.